Hiniling kamakailan ng ilang mataas na opisyal ng Amerika na itigil ng Tsina at lahat ng mga bansa at organisasyong pandaigdig ang pag-aangkat ng langis mula sa Iran, bago ika-4 ng Nobyembre ng taong ito.
Kaugnay nito, ipinahayag Hunyo 27, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nananatiling mainam ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng maraming bansa at Iran. Aniya, bilang mapagkaibigang magkatuwang, ang isinasagawang pagtutulungan ng Tsina at Iran sa larangan ng kabuhayan at enerhiya ay angkop sa regulasyon at obligasyong pandaigdig.