Ipinahayag Hunyo 27, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na agarang nagsagawa ng pangkagipitang hakbang ang Embahada ng Tsina sa Timog Korea bilang tugon sa insidenteng naganap kamakailan sa Sejong ng nasabing bansa.
Ani Lu, naganap ang sunog sa isang construction site sa Sejong, noong ika-26 ng buwang ito. Sa kasalukuyan, isang Tsino ang kumpirmadong nasawi, at 15 iba pa ang nasugatan.
Sinabi ni Lu na pagkaraang maganap ang nasabing insidente, dagliang ipinadala ng Embahadang Tsino ang isang grupo patungo sa lugar na pinangyarihan. Aniya, pumunta rin ang ilang mataas na opisyal ng Embahadang Tsino sa ospital para kumustahin ang mga nasugatan.
Ipinahayag din ni Lu na pahihigpitin ng panig Tsino ang pakikipag-ugnayan sa panig Timog Koreano, at magbibigay-tulong sa pamilya ng mga biktima na pumunta sa Timog Korea.