Kaugnay ng pagpapalabas ng Tsina ng white paper na pinamagatang "Tsina at World Trade Organization (WTO)," ipinahayag Huwebes, Hunyo 28, 2018 ni Keith Rockwell, Tagapagsalita ng WTO, na noong nakaraan man o sa kasalukuyan, hinahangaan ng Sekretaryat ng WTO ang ibinigay na pagkatig ng Tsina sa WTO.
Aniya, aktibong nakikisangkot ang Tsina sa mga aktibidad ng WTO sa iba't ibang larangan. Ang pagsali ng Tsina ay nagpatingkad ng napakahalagang papel para sa tagumpay ng talastasan sa Trade Facilitation Agreement at talastasan sa pagpapalawak ng Information Technology Agreement.
Huwebes, Hunyo 28, 2018, inilabas ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Tsina at World Trade Organization (WTO)." Ito ang kauna-unahang pagpapalabas ng Tsina ng white paper tungkol sa isyung ito.
Layon ng pagpapalabas ng nasabing white paper na komprehensibong isalaysay ang praktika ng Tsina sa pagpapatupad ng pangako nito sa pagsapi sa WTO, ipaliwanag ang simulain, paninindigan, at patakaran ng Tsina sa pagsali sa konstruksyon ng multilateral na sistemang pangkalakalan, at ilahad ang adhikain at aksyon sa pagpapasulong ng pagbubukas sa labas, sa mas mataas na lebel.
Salin: Vera