Ipinahayag Hunyo 28, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idinaos ng Tsina at ASEAN ang Ika-15 Senior Officials' Meeting at ika-24 na Joint Working Group Meeting hinggil sa pagsasakatuparan ng Declaration on Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), sa Changsha, lalawigang Hunan, Tsina mula ika-25 hanggang ika-27 ng buwang ito.
Sinabi ni Lu na nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa mga isyung may-kinalaman sa DOC implementation, pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungang pandagat, at pagpapasulong ng negosasyon hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea (COC). Aniya, tinanggap ng mga kalahok ang kasalukuyang mainam na kalagayan sa South China Sea, inulit nila ang kahalagahan sa komprehensibong pagsasakatuparan ng DOC, sinangayunan nila ang ibayong pagpapasulong ng COC consultation, at buuin ang unified draft document sa lalong madaling panahon para sa talastasan sa susunod na yugto. Aniya, tinalakay din sa pulong ang hinggil sa DOC implementation plan sa taong 2016 hanggang 2018.
Dagdag pa ni Lu, kinakatigan ng mga kalahok ang mapayapang paglutas sa isyu ng South China Sea, pagkontrol sa pagkakaibang palagay alinsunod sa balangkas na regulasyon ng rehiyon, pagpapalakas ng pagtitiwalaan sa isat-isa, at pagpigil sa pagkakaroon ng mga di-inaasahang insidente para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.