Ipinahayag Hulyo 2, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na positibo ang Tsina sa isinasagawang hakbang ng Hilaga at Timog Korea para pabutihin ang bilateral na relasyon. Umaasa aniya siyang kakatigan ng komunidad ng daigdig ang usaping ito.
Idinaos kamakailan ng Hilaga at Timog Korea ang mataas na diyalogong militar para mapahupa ang kasalukuyang maigting na kalagayan sa Peninsula ng Korea. Napagpasiyahan ng dalawang panig na mapapanumbalik ang pagtitipon ng mga nagkakahiwalay na pamilya sa Keumgang Mountain, sa susunod na Agosto, at bubuuin ang magkasanib na delegasyong pampalakasan para sa Ika-18 Asian Games, na gaganap insa Indonesya.
Ipinahayag ng tagapagsalitang Tsino na positibo ang Tsina sa nasabing mga mabungang ugnayan sa pagitan ng Hilaga at Timog Korea.