|
||||||||
|
||
Una, ang "market for technology" ay komong pagpili ng iba't ibang bansa para sa kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya. Ang paggamit ng mga pondo, maunlad na teknolohiya, at karanasan sa pangangasiwa ng ibang bansa, para pabilisin ang sariling pag-unlad, ay komong paraan ng maraming bansa, lalung-lalo na mga di-maunlad na bansa, sa unang yugto ng kanilang pagbubukas ng pamilihan.
Sa kasaysayan, hinikayat minsan ng Amerika ang mga maunlad na teknolohiya ng Britanya at Alemanya, at pati mga talento ng ibang bansa. Isinagawa rin minsan ng Hapon at Timog Korea ang "market for technology," para sila ang maging maunlad sa industriya. Kaya, ang pagbatikos ng Amerika sa Tsina kaugnay ng "market for technology" ay pagpapakita ng "double standard."
Ikalawa, sa panahon ng pagsasagawa ng "market for technology," mahigpit na tumatalima ang Tsina sa mga pandaigdig na tuntunin, na kinabibilangan ng pangangalaga sa Intellectual Property Rights (IPR). Nitong maraming taong nakalipas, laging kinukumpleto at pinapabuti ng Tsina ang mga batas at regulasyon, para palakasin ang pangangalaga sa IPR, at itinuturing ang usaping ito bilang mahalagang gawain ng pagpapabuti ng kapaligirang komersyal ng bansa.
Sa proseso ng pagpapaunlad ng teknolohiya at industriya, maraming pakinabang ang Tsina sa kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya nila ng Amerika, at iginagalang ito ng Tsina. Samantala, dahil sa pagsisikap ng Tsina sa pangangalaga sa IPR, marami ang kinikita naman ng mga kompanyang Amerikano, sa pamamagitan ng paglilipat ng mga teknolohiya sa pamilihan ng Tsina. Sa katotohanan, ito ay win-win para sa kapwa panig.
Ikatlo, hindi umasa lamang ang Tsina sa pagpasok ng maunlad na teknolohiya ng ibang bansa, at buong sikap din nitong pinasusulong ang sariling inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya. Nitong mga taong nakalipas, sa pamamagitan ng mga patakaran at hakbanging pampasigla, natamo na ng Tsina ang bunga sa pagpapaunlad ng teknolohiya sa maraming aspekto, na gaya ng manupaktura, imprastruktura, information technology, kalawakan, at iba pa.
Pinahahalagahan pa rin ng Tsina ang pandaigdig na kooperasyong pansiyensiya at panteknolohiya, dahil makakabuti ito sa pagsulong ng buong sangkatauhan. Batay sa pagpapalakas pa ng pangangalaga sa IPR, nakahanda ang Tsina, kasama ng mga iba pang bansa, na isagawa ang kooperasyong pansiyensiya at panteknolohiya, sa pamamagitan ng iba't ibang paraan at porma.
Bilang panapos, sa pamamagitan ng mahigit 40 taong pagpapalitan at pagtutulungan, naitatag ng Tsina at Amerika ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, na may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Dapat obdiyektibo at makatwirang hawakan ng dalawang bansa ang kasalukuyang alitang pangkalakalan. Ito ay dahil sa responsibilidad ng dalawang bansa sa kani-kanilang mga mamamayan, sa daigdig, at sa pagsulong ng buong sangkatauhan.
Salin: Liu Kai
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |