Sa Section 301 Investigation ng Amerika laban sa Tsina, ang "Made in China 2025," plano ng Tsina ng pagpapasulong ng manupaktura, ay isang pangunahing bagay na binabatikos ng Amerika. Sinabi minsan ng mga tagapag-analisa, na ang layunin ng Section 301 Investigation ng Amerika ay pagpapahirap ng modernong manupaktura ng Tsina, para sa paghadlang sa pag-unlad nito. May Advanced Manufacturing Partnership ang Amerika, at mayroon namang Industry 4.0 Strategy ang Alemanya. Bakit hindi dapat magkaroon ang Tsina ng plano ng pagpapasulong ng manupaktura?
Pinuna ng pamahalaang Amerikano ang pamahalaang Tsino sa pagsasagawa ng industrial support policy sa "Made in China 2025." Pero, isinasagawa rin ng pamahalaang Amerikano ang parehong patakaran. Tuwing taon mula noong 2015 hanggang 2024, nagbibigay ang pamahalaang Amerikano ng 5 milyong Dolyares sa bawat sentro ng inobasyon ng bansang ito. At kung walang mga industrial support policy ng pamahalaang Amerikano, hindi maaring matamo ang kasalukuyang kaunlaran at kasaganaan sa Silicon Valley.
Ang "Made in China 2025" ay bukas at inklusibong plano kung saan ginaganap ng pamilihan ang namumunong papel, at nagbibigay lamang ang pamahalaan ng patnubay. Maraming beses na binigyang-diin ng mga lider na Tsino, na pantay-pantay ang mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan sa "Made in China 2025," at tinatanggap ang paglahok ng mga bahay-kalakal na dayuhan sa pagpapasulong ng manupaktura ng Tsina. Sa kasalukuyan, lumahok na sa usaping ito ang mga bahay-kalakal mula sa maraming bansa at rehiyon ng daigdig, na gaya ng Amerika, Alemanya, at Britanya.
Isinasagawa ng Amerika ang double standard pagdating sa isyu ng pag-unlad ng modernong manupaktura ng Tsina. Ipinakikita nitong ayaw makita ng Amerika ang pag-unlad ng Tsina, dahil itinuturing nito ang Tsina bilang kaagaw.
Salin: Liu Kai