Kaugnay ng pahayag ng US Trade Representative (USTR) hinggil sa Section 301 of the Trade Act of 1974" na ipinalabas Hulyo 10, 2018, ipinalabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang isang pahayag.
Anito, hindi totoo ang bintang ng Amerika na isinagawa ng Tsina ang di-makatarungang aksyon at natamo ang "extra advantage." Aniya, ang pagpilipit ng Amerika sa katotohanan ay dahil sa pangangailangan ng pulitikang panloob. Sa katunayan, ang estruktural na dahilan ng kabuhayan ng Amerika, sa halip ng Tsina, ay nagdulot ng problemang pangkabuhayan at panlipunan ng Amerika. Bukod dito, ang paglaki ng ekonomiya ng Tsina ay dahil sa pagsasagawa ng market-oriented reform at patuloy na pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at hindi dahil sa tinaguriang "state capitalism."
Anito, laging pinahahalagahan ng Tsina ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang panig, at tunay na nagpapsulong ng paglutas sa pamamagitan ng diyalogo. Mula noong Pebrero hanggang Hunyo, nagkaroon ng 4 na round ng pagsasangunian ang Tsina at Amerika, at narating ang magkasanib na pahayag noong Mayo kung saan sumang-ayon ang dalawang panig na maiwasan ang "trade war". Pero, pabago-bago ang Amerika ng posisyon at naglunsad ng alitang pangkalakalan.
Anito rin, walang jurisprudential evidence ang unilateral na pagpapataw ng taripa ng Amerika, at ito ay lantarang paglabag sa saligang prinsipyo ng World Trade Organization (WTO) ng most-favored-nation treatment at batas na pandaigdig. Unang inilunsad ng Amerika ang alitang pangkalakalan, at bilang ganti, isinagawa ng Tsina ang mga hakbangin.
salin:Lele