Idinaos Hulyo 12, 2018, ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at eksbisyon ng mga larawan sa ASEAN Secretariat ng Jakarta, Indonesya.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN na ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN ay nagbibigay ng aktuwal na interes sa mga mamamayan, at nagiging pinakamatagumpay at pinakamasiglang modelo ng kooperasyong panrehiyon ng Asia-Pasipiko
Aniya, nakahanda ang Tsina na pasulungin, kasama ng ASEAN, ang talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Aniya rin, nakahandang magkakasamang pangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan batay sa regulasyong pandaigdig, at magpasigla sa pag-unlad na pangkabuhayan ng rehiyon at daigdig.
salin:Lele