Muling ipinahayag Hulyo 12, 2018 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na tinututulan ng Tsina ang hakbang na isinagawa ng Amerika para palawakin ang alitang pangkalakalan laban sa Tsina.
Winika ito ni Gao bilang tugon sa bagong plano hinggil sa pagpapataw ng taripa sa mga produkto mula sa Tsina, na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares, na isinapubliko ng panig Amerikano, Hulyo 11, 2018.
Nauna rito, isinagawa ng Amerika ang pinalawak na pagpapataw ng taripa sa 34 bilyong dolyares na produkto mula sa Tsina.
Ani Gao, ang isinasagawang hakbang ng Amerika ay hahantong sa kawalang katiyakan ng kabuhayang pandaigdig. Isasagawa aniya ng Tsina ang mga katugong hakbang hinggil dito.