Ipinahayag Hulyo 12, 2018 sa Beijing ni Geng Yan, opisyal ng State Postal Bureau ng Tsina, na noong unang anim na buwan ng taong ito, umabot sa 22 bilyon, sa mainland, ang bilang ng mga package na inihatid sa pamamagitan ng courier network. Samantala, tinatayang aabot sa 520 milyon ang bilang ng mga inihatid na package sa pagitan ng Tsina at mga bansang dayuhan, at mainland ng Tsina at Hong Kong, Macao at Taiwan, dagdag pa niya.
Inilahad ni Geng na lumampas sa 3 trilyong Yuan RMB ang online retail volume ng Tsina noong nagdaang anim na buwan, na lumaki ng 30% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Ito aniya'y nagsisilbing pangunahing tsanel ng commodity circulations ng bansa.