Ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ika-15 anibersaryo ng China-ASEAN Expo (CAEXPO) at China-ASEAN Business and Investment Summit.
Isiniwalat Hulyo 17, 2018 dito sa Beijing ng mga may kinalamang namamahalang tauhan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang mga planong pagbabago sa CAEXPO at summit sa taong ito. Aniya, magkakaroon ng platapormang pangkooperasyon para sa mga bahay-kalakal ng Tsina at ASEAN, pero, hindi hahanapin ng panig na Tsino ang trade surplus, kundi ipapakita ang kahandaang mag-angkat ng mas maraming kalakal mula sa mga bansang ASEAN.
May temang "Magkasamang Pagtatatag ng 21st Century Maritime Silk Road at Komunidad ng Inobasyon ng Tsina at ASEAN," idaraos ang ika-15 CAEXPO sa ika-12 hanggang ika-15 ng Setyembre sa lunsod ng Nanning, Guangxi, Tsina.
salin:Lele