Ipinahayag Hulyo 19, 2018, dito sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang paninindigan ng Tsina sa alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay hindi nagbabago at maliwanag. Sa simula, nagpahayag ang Tsina ng matatag na posisyong "Ayaw makipagaway ngunit hindi uurong sa laban." Aniya, taliwas sa katotohanan ng mga bintang ng ilang opisyal ng Amerika.
Ayon sa ulat, sinabi kamakailan ni Larry Kudlow, US National Economic Council Director na dapat akuin ng Tsina ang pananagutan hinggil sa kabiguang marating ang kasunduan ng Amerika at Tsina upang lutasin ang alitang pangkalakalan.
salin:Lele