Nag-usap Agosto 2, 2018 sa Singapore sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Kalihim Alan Peter Cayetano ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Wang na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap, lumalakas ang pagtitiwalaang pampulitika ng Tsina at Pilipinas, at sumusulong ang kanilang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan. Nakahanda aniya ang Tsina na pahigpitin ang mataas na pakikipagpalitan sa Pilipinas at bilateral na kooperasyon para maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad ng dalawang panig. Aniya, magiging bansang tagapagkoordina ng Tsina at ASEAN ang Pilipinas, at kinakatigan ng Tsina ang tungkulin ng bansa para ibayong pasulungin ang pagtutulungang panrehiyon. Ipinahayag naman ni Cayetano na maalwang sumusulong ang pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas sa ibat-ibang larangan. Umaasa aniya ang Pilipinas na pahihigpitin ang mataas na pakikipagpalitan sa Tsina para ibayong pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig. Aniya, bilang bansang tagapagkoordina ng Tsina at ASEAN, magsisikap ang Pilipinas para ibayong pasulungin ang kooperasyon ng ASEAN at Tsina.