Binuksan Agosto 2, 2018 sa Singapore ang China-ASEAN Foreign Ministers' Meeting (10+1). Dumalo sa pagtitipon si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at counterpart ng mga bansang ASEAN.
Ipinahayag ni Wang na sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, pumasok sa bagong yugto ang komprehensibong relasyong pangkooperasyon ng dalawang panig. Aniya, bilang priyoridad sa patakarang panlabas ng Tsina, magsisikap ang Tsina, kasama ng ASEAN, para maisakatuparan ang pagkakaibigang pangkapitbansa, at win-win development na may mutuwal na kapakinabangan. Aniya, suportado ng Tsina ang konstruksyon ng integrasyon ng ASEAN, at ang mahalagang papel ng ASEAN sa mga suliraning panrehiyon. Umaasa aniya si Wang na palalakasin ang ugnayan sa pagitan ng estratehiyang pangkaunlaran ng mga bansang ASEAN, ASEAN Community Vision 2025, at Belt and Road Initiative para ibayong palawakin ang pagtutulungan. Kinakatigan aniya ng Tsina ang taong 2019 na magiging China-ASEAN Media Year. Umaasa rin aniya siyang palalalimin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa larangan ng matalinong kalunsuran, digital economy, Internet+, at iba pa.
Ipinahayag ng mga ministrong panlabas ng ASEAN ang pag-asang mararating ng Tsina at ASEAN ang Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement, sa lalong madaling panahon, para labanan ang proteksyonismo. Kinakatigan anila nila ang proseso ng malayang kalakalan at integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, at ang multilateral na sistemang pangkalakalan ng daigdig. Suportado anila nila ang pagbuo ng panukalang tekstong pangnegosasyon hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea (COC). Umaasa anila silang ipagpapatuloy ang negosasyon hinggil sa COC para magkasamang pasulungin ang kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.