Noong Mayo 8, 2018, ipinatalastas ng Amerika ang pagtalikod sa Komprehensibong Kasunduan ng Isyung Nuklear ng Iran na narating noong 2015. Mula Martes, Agosto 7, 2018, nakikita ang epekto nito. Bahagyang napanumbalik ng Amerika ang komprehensibong sangsyong ekonomiko laban sa Iran sa mga larangang gaya ng industriya ng sasakyang de motor, abiyasyon, at metal trading. Nagbabala rin ang pamahalaang Amerikano na ang sinumang magkakaroon ng ugnayang komersyal sa Iran ay hindi puwedeng magkaroon ng ugnayang komersyal sa Amerika.
Tulad ng mga "black hole," ang ilang isinasagawa at isinusulong na patakaran ng kasalukuyang pamahalaang Amerikano ay pumapatay sa mga kaliwanagan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Isa sa mga ito ay pagtalikod sa nasabing kasunduan at pagpapanumbalik ng sangsyong pangkabuhayan laban sa Iran.
Bukod dito, ang digmaang pangkalakalan na inilunsad ng pamahalaan ni Donald Trump ay nagiging walang duda, isa pang "American black hole" na nakakahadlang sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Ayon sa mga tagapag-analisa, may mahigpit na kaugnayan ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa kalakalan. Lalung lalo na, ang pagdaragdag ng taripa ay grabeng nakakaapekto sa bolyum ng pandaigdigang kalakalan at kompiyansang komersyal. Posible nitong idulot ang malaking pag-urong ng kabuhayang pandaigdig, anila.
Sa mga isinasagawang patakaran na tulad ng pagtalikod ng Komprehensibong Kasunduan ng Isyung Nuklear ng Iran, paglulunsad ng digmaang pangkalakalan, pagtalikod sa "Paris Agreement," at pagtalikod sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), ay nagpapatunay ng pinakamalaking katangian ng patakarang panlabas ng kasalukuyang pamahalaang Amerikano na mailalarawan bilang "kawalang-katatagan o unpredictability." Bilang isang super power sa buong daigdig, kailangang ipagkaloob ng pamahalaang Amerikano ang malaking katatagan o predictability sa daigdig. Hindi kinakailangan ng daigdig ang "American black hole," dahil maaari nitong mabilis na patayin ang lahat ng kagandahan, kaliwangaan, at kasaganaan ng kasalukuyang daigdig.
Salin: Li Feng