MAY 22 mga lider manggagawa mula sa Asia Pacific Region ang magkikita sa darating na Martes para sa isang tatlong-araw na pagpupulong upang suriin ang kalagayan ng mga manggagawa sa kawalan ng katatagan sa kalakal, mga digmaan at maging mga trahedya.
Ang pagpupulong ay sa pamamagitan ng International Labor Organization na nagsabing may 1.5 bilyon katao ang naninirahan sa mga bansang walang katatagan, may mga digmaan samantalang mayroon naming 200 milyong mamamayan ang apektado ng mga trahedya.
May 93% ng mga mamamayan sa Asia Pacific Region ang tunay na nahihirapan dahilan sa mga panganib ng kapaligiran, mabuhay na politika at iba pang mga dahilan.
Dadalo sa pagpupulong ang mga manggagawa at mga pinuno ng mga samahan ng manggagawa sa 14 na bansa ang darating at makikipagpalitan ng karanasan. Magaganap ang pulong sa Crowne Plaza Galleria sa Ortigas Business Complex.
Nakatakdang magsalita sa pulong si Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III.