MAY dagdag na ayuda ang European Union para sa Mindanao. Ito ay nagkakahalaga ng € 2 milyon o US$2.273 milyon upang matulungan ang mga mamamayang napapagitna sa kaguluhan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Christos Stylianides, ang Commissioner para sa Humanitarian Aid and Crisis Management, daang libong mga mamamayan ang nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan upang makaiwas sa kaguluhan.
Ani G. Stylianides, iniwan ng mga lumikas ang kanilang mga tahanan, gawain at maging mga bukirin kaya't hirap sila ngayon at naghihintay ng tulong. Nakikiisa ang European Union sa kanilang kalagayan. Sinabi ng European Union na mayroong 500,00 katao ang nangangavilangan ng tulong. Kabilang ditto ang may 270,000 lumikas mula sa kanilang mga tahanan at may 100,000 mga kabataang wala sa mga paaralan.
Ayon sa European Union, ang kaguluhan ay naging dahilan upang magkulang ang basic services at maging kabuhayan kya't nangangailangan ng tulong.