|
||||||||
|
||
Sa harap ng digmaang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika at masalimuot na kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, nananatiling maganda ang estadistika ng Tsina hinggil sa paghihikayat ng pondong dayuhan. Nasa tatlong pangunahing aspekto ang mga dahilan.
Una, tuluy-tuloy na bumubuti ang kapaligirang pang-negosyo ng Tsina, at inaalis ang mga limitasyon sa pamumuhunang dayuhan. Ayon sa Foreign Direct Investment Restrictiveness Index na ginawa ng Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD), mula noong 2015 hanggang sa kasalukuyan, bumaba ng 4 na puwesto ang Tsina sa listahan, at ipinakikita nito ang pagbuti ng kapaligirang pampamumuhunan ng bansa. Samantala, sa bagong Special Management Measures (Negative List) for Foreign Investment Access na inilabas ng pamahalaang Tsino, inalis ang maraming limitasyon sa pamumuhunang dayuhan, at pinaluwag ang pagpasok ng mga pondong dayuhan sa mga larangang gaya ng pinansyo, agrikultura, pagmimina, kultura, tele-komunikasyon, at iba pa.
Ikalawa, buo ang industrial chain, mataas ang lebel ng mass production, at malaki ang pamilihang pangkonsumo ng Tsina. Nakakapagkaloob ang mga ito ng epektibo at kumpletong paglilingkod sa produksyon ng mga bahay-kalakal, at positibong prospek din sa pakinabang nila. Ang mga ito ay malaking pang-akit ng Tsina sa pamumuhunang dayuhan.
Ikatlo, sa harap ng kasalukuyang lumalalang trade protectionism sa daigdig, malakas pa rin ang determinasyon at aksyon ng Tsina sa patuloy na pagpapalawak ng pagbubukas sa labas. Sa pamamagitan din ng mga bagong platapormang pangkooperasyon na gaya ng Belt and Road Initiative, ASEAN plus Tsina, BRICS countries, at iba pa, itinataguyod ng Tsina ang partnership na may pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan at multilateral na sistemang pangkabuhayan at pangkalakalan. Ito ay nagdudulot din ng malaking kompiyansa sa puhunang dayuhan.
Sa kasalukuyan, ang patuloy na pagpasok ng malaking bolyum ng pondong dayuhan sa pamilihang Tsino ay nagpapakita ng pananalig at pag-asa ng multinasyonal na kapital at mga transnasyonal na kompanya sa kinabukasan ng Tsina. Ito rin ay palatandaang maging common value ang globalisasyon, na mahalaga para sa pangangalaga sa multilateral na sistemang pangkalakalan at pagbuo ng bukas na kabuhayan.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |