Sinabi kahapon, Biyernes, ika-24 ng Agosto, 2018, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na hiniling na niya kay Mike Pompeo, Kalihim ng Estado, na ipagpaliban ang pagdalaw sa Hilagang Korea, na nakatakdang isagawa sa susunod na linggo.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Trump, na hindi pa nagkakaroon ang Amerika at H.Korea ng sapat na progreso sa isyu ng denuklearisasyon sa Korean Peninsula. Ito aniya ay dahilan kung bakit ipinagpaliban ang naturang pagdalaw.
Samantala, sinabi rin ni Trump, na dadalaw pa rin si Pompeo sa H.Korea sa malapit na hinaharap, at umaasa naman siyang muling makikipagtagpo kay Kim Jong Un, lider ng H.Korea.
Salin: Liu Kai