Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Lunes, Setyembre 10, 2018, sa delegasyon ng mga pirmihang kinatawan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Tsina, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa mula't mula pa'y lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa mga kapitbansa nito. Aniya, dapat magkasamang magsikap ang Tsina at ASEAN para mapangalagaan ang multilateral na regulasyon, komong kapakanan, at seguridad sa rehiyong ito. Patuloy na kakatigan ng Tsina ang namumunong katayuan ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon, at pasusulungin ang pagtatamo ng mas malaking progreso ng relasyong Sino-ASEAN, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Elizabeth P. Buensuceso, pirmihang kinatawan ng Pilipinas sa Tsina, ang kahandaan ng ASEAN na ibayo pang palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina, at pabilisin ang proseso ng talastasan tungkol sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Salin: Li Feng