Ipinadala ngayong araw, Lunes, ika-17 ng Setyembre 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay ng mga kasuwati at kapinsalaang dulot ng bagyong "Mangkhut" o "Ompong" sa Pilipinas.
Sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino, at kanyang sarili, ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa mga nabiktima sa bagyo, at pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nabiktima, mga nasugatan, at iba pang apektadong mamamayang Pilipino.
Tinukoy ni Xi, na bilang mapagkaibigang kapitbansaan, magkakapamilya ang Tsina at Pilipinas sa harap ng mga kalamidad, at nakahanda ang Tsina na magkaloob ng tulong sa Pilipinas.
Nananalig din aniya siyang, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte at kanyang pamahalaan, maayos na mahaharap ng mga mamamayan ng Pilipinas ang kalamidad, at mapapanumbalik ang normal na pamumuhay sa mga apektadong lugar.
Salin: Liu Kai