Magkasamang pinanguluhan kahapon, Lunes, ika-17 ng Setyembre 2018, sa Moscow, Rusya, nina Pangalawang Premyer Han Zheng ng Tsina at Pangalawang Punong Ministro Dmitry Kozak ng Rusya, ang ika-15 pulong ng komite ng kooperasyong pang-enerhiya ng dalawang bansa.
Ipinahayag ng kapwa panig ang lubos na pagpapahalaga sa kooperasyong pang-enerhiya ng Tsina at Rusya. Tinalakay nila ang kasalukuyang kalagayan ng mga malaking proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa sa langis, natural gas, karbon, at koryente. Sinang-ayunan din ng dalawang panig, na patuloy at buong husay na isagawa ang naturang mga proyekto, itatag ang partnership sa kooperasyong pang-enerhiya, at palakasin ang kooperasyong pang-enerhiya sa mga aspekto ng teknolohiya, pamantayan, talento, at impormasyon.
Salin: Liu Kai