Ipinatalastas kamakailan ng Amerika na ipapataw mula Setyembre 24, 2018 ang taripa sa mga produktong nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares mula sa Tsina. Ito ay kinabibilangan ng mga produktong mechanical and electrical, tela at kasuutan, agrikultura, gamot at iba pa.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, ika-20 ng Setyembre ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na apektado ng usaping ito ang mga bahay-kalakal sa Tsina, na kinabibilangan ng halos 50% ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng mga pondong dayuhan sa bansa.
Ipinahayag ni Gao na ang unilateral trade protectionism na isinasagawa ng Amerika ay makakasama hindi lamang sa interes ng mga bahay-kalakal at mamimili ng Tsina at Amerika, kundi maging sa kaligtasan ng industry chain at supply chain ng buong mundo.