Bilang tugon sa pananatili ng Amerika na nakikialam di-umano ang Tsina sa halalan ng Amerika, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na laging kumakatig ang Tsina sa prinsipyo ng di-pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa. Aniya, ito ay tradisyon ng diplomasya ng Tsina, at ito ay malawak na pinapupurihan ng iba't ibang bansa ng daigdig.
Ani Wang, hindi makikialam ang Tsina sa suliraning panloob ng ibang bansa, at hindi rin ito tatanggap ng pagbatikos sa usaping ito. Nanawagan din si Wang sa iba pang bansa na sumunod sa simulain ng "Karta ng United Nations," at huwag makialam sa suliraning panloob ng ibang bansa.
salin:Lele