Ipinahayag kamakailan ng Amerika na nanghimasok ang Tsina sa mga suliraning panloob ng kanyang bansa sa pamamagitan ng isinagawang anti-sanction measures bilang tugon sa trade tension.
Hinggil dito, ipinahayag Oktubre 11, 2018 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang nasabing mga hakbang na isinasagawa ng Tsina ay para pangalagaan ang sariling interes at multilateral na sistemang pangkalakalan ng daigdig, sa halip na pakikialam sa mga suliraning panloob ng Amerika.
Sinabi ni Gao na ang Amerika ang panig na naglunsad ng alitang pangkalakalan sa Tsina, at lumalala ang kalagayang ito. Aniya, napilitang isinagawa ng Tsina ang mga hakbang para rito.
Ipinahayag niyang hindi babaguhin ang mithiin ng Tsina sa pangangalaga sa malusog na pakikipagtulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Amerika, at determinasyon nitong pangangalaga sa lehitimong karapatan at interes ng bansa.