Nang sagutin ang tanong ng mga mamamahayag Tsino at dayuhan Oktubre 11, 2018 sa Beijing, ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na palaging iginigiit ng Tsina ang prinsipyo ng win-win cooperation sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan, patuloy na pagbubukas ng pamilihan sa labas, at aktibong paglahok sa sistemang pangkabuhayan ng daigdig.
Ipinahayag niyang nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng lahat ng mga trade partner para maisakatuparan ang magkasamang pagtatamasa ng pagkakataon, magkasamang pag-unlad, magkasamang pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig, at magkasamang pagpapasulong ng kabuhayan ng daigdig. Aniya, hindi isinagawa at isasagawa ng Tsina ang umano'y "pananalakay sa kabuhayan."