Nagtagpo kahapon, Biyernes, ika-12 ng Oktubre 2018, sa Dushanbe, Tajikistan, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Dimitry Medvedev ng Rusya.
Binigyan ng dalawang lider ng positibong pagtasa ang relasyong Sino-Ruso na sumusulong sa mataas na lebel, at kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan na nagkakaroon ng mabilis na paglaki.
Ipinahayag nila ang kahandaan ng dalawang bansa, na palakasin ang komprehensibo at estratehikong partnership, palawakin ang kooperasyon sa mga larangan ng enerhiya, siyensiya, teknolohiya, at pinansyo, at pasulungin ang integrasyon ng mga interes.
Sinang-ayunan din nilang magkasamang pangalagaan ng Tsina at Rusya ang multilateralismo at malayang kalakalan, para magbigay-ambag sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaan ng daigdig.
Salin: Liu Kai