Sa kanyang panayam sa Fox News Sunday, noong ika-12 ng Oktubre (local time), 2018, tinukoy ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika na ang di-pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa ay saligang paninindigan ng Tsina, at ito'y matagal nang prinsipyo ng Tsina mula noon hanggang sa hinaharap. Aniya pa, ang anumang aksyong isinagawa ng Tsina sa taripa ay reaksyon lamang sa pagpapataw ng karagdagang taripa ng Amerika sa mga panindang Tsino. Kung tatanggalin ng Amerika ang nasabing karagdagang taripa, kakanselahin din ng Tsina ang reaksyon nito, dagdag niya.
Samantala, halos nagbanggaan kamakailan ang mga barkong pandigma ng Amerika at Tsina sa South China Sea; at hinggil dito, ipinahayag ni Cui na ang pagyayari ay naganap sa "harap ng pintuan" ng Tsina. Aniya, ang barkong Amerikano ang nagpunta malapit sa mga islang Tsino at baybayin ng Tsina, at hindi ang mga barkong pandigma ng Tsina ang naglayag malapit sa baybayin ng Califonia o Golf of Mexico, kaya sila ang gumagawa ng opensiba at hindi ang Tsina. Ito'y malinaw na katotohanan, ani Cui.
salin:Lele