Kaugnay ng ulat kamakailan ng Bloomberg Businessweek na nagsasabing inilagay ng panig Tsino ang umano'y "spy chip" sa mga produkto ng halos 30 kompanyang Amerikano para kunin ang mga lihim, sinabi ng mga may kinalamang kompanya na gaya ng Apple Inc., Amazon.com, Inc., Super Micro Computer, Inc., AT&T Inc., Sprint Corporation, Verizon Communications Inc., at iba pa, na hindi totoo ang ulat ng Bloomberg Businessweek, at walang anumang malicious chip o malicious software sa kani-kanilang mga produkto at ginagamit na hardware.
Nauna rito, sinabi minsan ng Department of Homeland Security ng Amerika, na sinusubaybayan ng departamentong ito ang naturang ulat ng Bloomberg Businessweek, at naniniwala sila sa mga pahayag ng mga may kinalamang kompanyang Amerikano.
Salin: Liu Kai