Ngayong araw, ika-17 ng Oktubre 2018, ay ang ika-5 National Poverty Relief Day ng Tsina. Sa isang mensahe kamakailan, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa pamamagitan ng 40-taong reporma at pagbubukas sa labas, naibsan ng bansa ng kahirapan ang mahigit 700 milyong mamamayan. Aniya, sa kasalukuyang masusing yugto ng pagbabawas ng kahirapan, dapat pag-ibayuhin ng buong bansa ang pagsisikap, para isakatuparan ang target na pawiin ang kahirapan sa buong bansa sa taong 2020.
Samantala, hiniling naman ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa iba't ibang departamento ng pamahalaan, na buong sikap na pasulungin ang mga may kinalamang gawain, para igarantiya ang pagsasakatuparan ng target ng pagbabawas ng 10 milyong mahirap na populasyon sa loob ng taong ito.
Salin: Liu Kai