Sa news briefing na idinaos kahapon, Martes, ika-16 ng Oktubre 2018, sa Shanghai, isinalaysay ng Singapore Business Federation, na mahigit 80 bahay-kalakal ng bansang ito ang lalahok sa unang China International Import Expo (CIIE), na idaraos sa Shanghai sa susunod na buwan.
Ayon pa rin sa naturang pederasyon, dalawang target ang paglahok ng mga bahay-kalakal na Singaporean sa CIIE. Una ay paggagalugad ng mga bagong pagkakataon sa pamilihang Tsino, at ikalawa ay paghahanap ng mga angkop na katuwang na Tsino para magkasamang palawakin ang pamilihan sa ibang bansa.
Salin: Liu Kai