Ipinahayag Oktubre 16, 2018, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na idaraos ang Ika-3 Pulong ng Bilateral na Konsultatibong Mekanismo ng Tsina at Pilipinas hinggil sa South China Sea (SCS) sa ika-18 ng Oktubre.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Lu na itinatag ang konsultatibong mekanismo ng Tsina at Pilipinas hinggil sa SCS noong 2017, para sa paglutas ng mga isyung pandagat at pagbalik sa paraan ng talastasan at pagsasanggunian. Aniya, lalahok sina Kong Xuanyou, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at Usec. Enrique Manalo ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas sa idaraos na ika-3 pulong. Lalahok din ang mga kinatawan mula sa mga departamento ng tanggulang bansa, natural na yaman at pangangalaga ng kapaligiran, pangingisda, transportasyon, enerhiya at pulisyang pandagat ng dalawang bansa.