Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng unang China International Import Expo (CIIE) na idinaos ngayong araw, Lunes, ika-5 ng Nobyembre 2018, sa Shanghai, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ibayo pang palalakasin ang papel ng Shanghai sa aspekto ng pagbubukas sa labas.
Para rito, ipinatalastas ni Xi ang tatlong pangunahing patakaran. Una, palalawakin ang China (Shanghai) Pilot Free Trade Zone, para matamo ang mas maraming karanasan sa malaya at maginhawang pamumuhunan at kalakalan, na puwedeng gamitin sa buong bansa. Ikalawa, magbibigay-suporta sa Shanghai, para ito ay maging pandaigdig na sentrong pinansyal at sentro ng inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya. At ikatlo, patataasin sa pambansang lebel ang estratehiya ng pagpapaunlad ng Yangtze River Delta Area na binubuo ng Shanghai at mga lalawigang Jiangsu at Zhejiang.
Salin: Liu Kai