Shanghai, Tsina—Ipinahayag Lunes, Nobyembre 5, 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kumpara sa ibang pangunahing ekonomiya, nasa unang hanay pa rin ang paglago ng kabuhayang Tsino, at mayroon itong maraming paborableng kondisyon para mapanatili ang pangmatagalan, malusog at matatag na pag-unlad ng kabuhayan.
Sa tingin ni Xi, hindi nagbabago ang batayan ng malusog at matatag na pag-unlad ng kabuhayang Tsino, hindi nagbabago ang pangunahing "factors" ng produksyon na sumusuporta sa de-kalidad na pag-unlad, at hindi nagbabago ang pangkalahatang tunguhin ng pangmatagalang katatagan na tumutungo sa mas magandang direksyon. Walang humpay na lumalakas ang kakayahan ng bansa sa makro-kontrol, at ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma ay nagbubunsod ng lakas-panulak para sa pag-unlad ng kabuhayan.
Inamin din ni Xi na may ilang namumukod na kontradiksyon at problema sa proseso ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, na gaya ng pagtaas ang di-tiyak na elemento sa ilang larangan, pagdami ng mga kahirapan sa pamamalakad ng ilang bahay-kalakal, at paglaki ng panganib at hamon sa ilang larangan. Pero ipinalalagay niyang tiyak na mabilis na papasok ang kabuhayang Tsino sa landas ng de-kalidad na pag-unlad
Salin: Vera