Nagtagpo kahapon, Lunes, ika-5 ng Nobyembre 2018, sa Shanghai, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya.
Ipinahayag ni Xi ang mainit na pagtanggap sa paglahok ng Rusya sa unang China International Import Expo (CIIE) bilang isa sa mga guest countries of honor, at pamumuno ni Medvedev ng malaking delegasyon sa ekspo. Sinabi rin niyang, nakahanda ang Tsina, kasama ng Rusya, na panatilihin ang mahigpit na pagpapalagayan sa mataas na antas, at palalimin ang estratehikong kooperasyon.
Sinabi naman ni Medvedev, na ang paanyaya ng Tsina sa Rusya sa paglahok sa CIIE bilang guest country of honor ay nagpapakita ng pagpapahalaga nito sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Magsisikap aniya ang Rusya, kasama ng Tsina, na pasulungin at palalimin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai