|
||||||||
|
||
Nitong Lunes, sa seremonya ng pagbubukas ng unang China International Import Expo, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paninindigan sa magkakasamang pagtatatag ng inobatibo, inklusibo, at bukas na kabuhayang pandaigdig. Nitong Martes, nakipagtagpo naman si Premyer Li Keqiang ng Tsina, sa mga namamahalang tauhan ng 6 na pangunahing pandaigdig na organisasyong ekonomiko at pinansyal, at tinalakay nila ang hinggil sa komong pag-unlad ng kabuhayang Tsino at kabuhayang pandaigdig sa pamamagitan ng pagbubukas at pagtutulungan. Martes naman, dumalo si Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina sa New Economy Forum sa Singapore, at ipinahayag niyang, mananangan ang kanyang bansa sa pagbubukas sa labas, at magsisikap, kasama ng iba't ibang bansa, para sa mas bukas, inklusibo, at balanseng globalisasyong pangkabuhayan.
Ang pagbubukas sa labas ay isa sa mga pangunahing dahilan, kung bakit natamo ng Tsina ang malaking bunga sa pag-unlad. Sa pamamagitan nito, hindi lamang naisakatuparan ng Tsina ang sariling pag-unlad, kundi idinudulot din ang mga pagkakataon sa daigdig.
Tulad ng sinabi ni Christine Lagarde, Managing Director ng International Monetary Fund, itinatatag ng Tsina ang isang tulay tungo sa kasaganaan. Sa katotohanan, ang tulay na ito ay kinakailangan hindi lamang ng mga Tsino, kundi rin ng mga mamamayan ng buong daigdig.
Pero sa kasalukuyan, lumilitaw ang kaligaligan sa globalisasyong pangkabuhayan, lumalala ang proteksyonismong pangkalakalan, at dumarami ang alitang pangkalakalan. Ipinahayag ni Jim Yong Kim, Presidente ng World Bank, ang pagkabalisa sa pagiging mabagal ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Sinabi naman ni Angel Gurria, Pangkalahatang Kalihim ng Organization for Economic Co-operation and Development, na dahil sa mga alitang pangkalakalan, ang paglaki ng kalakalang pandaigdig sa taong ito ay magiging mas mababa ng 4% hanggang 5% kumpara sa pagtaya.
Sa harap ng mga elementong kawalang-katatagan sa kabuhayang pandaigdig, muling ipinahayag ng Tsina ang posisyon sa paggigiit sa pagbubukas at pagtutulungan, Ito ay itinuturing na positibong atityud at aktuwal na aksyon ng Tsina sa pagkatig sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Samantala, kailangan ding palakasin ng iba't ibang bansa ang determinasyon sa pagbubukas at pagtutulungan, bilang magkakasamang pagharap sa mga hamon sa kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |