Pormal na nabuo ngayong araw, Biyernes, ika-9 ng Nobyembre 2018, sa Beijing, and China Fire and Rescue Team. Sa seremonya ng pagtatatag, ginawaran ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng watawat ang grupong ito.
Noong dati, ang opisyal na pangkat ng pamatay-sunog at pagliligtas ng Tsina ay kabilang sa Armed Police Force ng bansa. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng China Fire and Rescue Team, ito ay naging isang nagsasarili at propesyonal na grupo.
Ayon kay Pangulong Xi, ito ay batay sa pangangailangan ng modernisasyon ng pambansang sistema ng pangangasiwa ng Tsina, at makakabuti rin ito sa pagpapalakas ng kakayahan sa pagharap sa mga pangkagipitang pangyayari.
Salin: Liu Kai