Sa kanyang paglalakbay-suri sa Shanghai kamakailan sa panahon ng China International Import Expo (CIIE), binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat pahigpitin ang determinasyon at kompiyansa sa muling pagsisimula ng reporma, tupdin ang bagong ideya ng pagpapaunlad, pabilisin ang pagpapataas ng lebel at nukleong kakayahang kompetetibo ng lunsod, at nang sa gayo'y, magbigay ng mas mabuting ambag ang Shanghai sa kabuuang kalagayan ng reporma at pag-unlad ng bansa.
Mula noong ika-6 hanggang ika-7 ng Nobyembre, pagkatapos lumahok sa seremonya ng pagbubukas at mga aktibidad ng CIIE, naglakbay-suri si Pangulong Xi sa mga bahay-kalakal, komunidad, sentro ng pamamahala at pagpapatakbo ng lunsod, parke ng hay-tek at iba pa.
salin:Lele