Ipinahayag Nobyembre 15, 2018 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, sa pamumuno ng mga liderato ng Tsina at Pilipinas, nananatiling maalwan ang mga proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig. Aniya, mabilis at matatag na umuunlad din ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.
Ipinahayag niyang sa kasalukuyan, ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Pilipinas. Aniya, noong 2017, umabot sa 51.28 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang panig, na mas malaki ng 8.5% kumpara sa nagdaang 2016. Aniya, mula noong Enero hanggang Setyembre, 2018, umabot sa 41.5 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang panig, na mas malaki ng 12.4% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Dagdag pa niya, lumalalim ang pakikipagtulungan ng Tsina sa Papua New Guinea, at Brunei sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan.