Port Moresby, Papua New Guinea—Nakipagtagpo Sabado, Nobyembre 17, 2018 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang counterpart ng Chile na si Sebastian Pinera.
Binigyang-diin ni Xi na nilagdaan ng Tsina at Chile ang kasunduan ng mga pamahalaan sa kooperasyon ng Belt and Road, at sa susunod na hakbang, dapat tiyakin ang mga pangunahing larangan at proyekto ng kooperasyon, para matamo ang bunga sa lalong madaling panahon. Dapat aniyang lubos na patingkarin ang papel ng mekanismo ng bilateral na kooperasyon, paluwagin ang bilateral na kalalan, pabutihin ang estruktura ng kalakalan, palalimin ang pamumuhunan at kooperasyon, at pasulungin ang pagpapatupad ng mahahalagang proyekto ng konektibidad. Nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang kooperasyon nila ng Chile sa mga larangang gaya ng siyensiya't teknolohiya, Antarctic exploration at iba pa, dagdag ni Xi.
Ipinahayag naman ni Pinera na ang Tsina ay pinakamalaking trade partner at pangunahing pinanggagalingan ng pamumuhunan ng Chile. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Tsina sa mataas na antas, palalimin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pamumuhunan sa kalakalan, konstruksyon ng imprastruktura, siyensiya't teknolohiya at iba pa, magkasamang itatag ang Belt and Road, pangalagaan ang malayang kalakalan, at itatag ang bukas na kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera