Ipininid nitong Linggo, Nobyembre 18, 2018, sa Papua New Guinea ang dalawang araw na Ika-26 na Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Sa panahon ng pulong, sa temang "Harnessing Inclusive Opportunities, Embracing the Digital Future," narating ng iba't-ibang kasaping ekonomiya ang komong palagay sa mga aspektong gaya ng pagpapasulong ng konektibidad, konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan sa Asya-Pasipiko, digital economy, at hangarin ng "Bogor Goals." Natamo dito ang mahalaga at positibong bunga, at inilabas din ang positibong signal ng pagkatig at pangangalaga sa malayang kalakalan, multilateral na sistemang pangkalakalan, at globalisasyong pangkabuhayan.
Iniharap sa pulong ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang "limang paninindigan" na kinabibilangan ng "pagbubukas, pag-unlad, pagiging inklusibo, inobasyon, at regulasyon." Ang mga ito ay malawakang pinapurihan ng iba't-ibang kalahok na sektor. Walang duda, ang nasabing "plano ng Tsina" ay makakapagpasigla ng malaki sa kooperasyong Asya-Pasipiko sa hinaharap.
Salin: Li Feng