Magkasamang inilahad sa media Nobyembre 18, 2018 sa Port Moresby, Papua New Guinea ng Ministring Panlabas at Ministri ng Komersyo ng Tsina ang kalagayan hinggil sa 2018 APEC Summit.
Ipinahayag ni Wang Xiaolong, Puno ng Departamento ng Pandaigdigang Kabuhayan ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dumalo at bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa nasabing summit. Aniya, ipinahayag ni Pangulong Xi ang pag-asang igigiit ang prinsipyo ng pagbubukas, pag-unlad, pagiging inklusibo, inobasyon at pagtupad sa regulasyon para pahigpitin ang kooperasyong pandaigdig, pasulungin ang pangangasiwa sa kabuhayan ng mundo, at magkasamang harapin ang ibat-ibang hamon. Positibo aniya ang Pangulong Tsino sa pagtatatag ng bukas na ekonomiya ng Asya-Pasipiko, paghahanap ng bagong sigla para sa kaunlarang pangkabuhayan, pagpapabuti ng konektibidad, at pagpapalakas ng partnership. Dagdag pa ni Wang, nagpalitan din ng kuru-kuro ang mga kalahok na lider hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, at narating nila ang mga pagkakasundo.
Samantala, ipinahayag naman ni Zhang Shaogang, Puno ng Departamento sa mga Suliraning Pandaigdig ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na natamo ng kasalukuyang APEC Summit ang mga bunga sa limang larangang kinabibilangan ng pagpapasulong ng bagong patakaran sa pagbalangkas ng hakbang sa pagpapataw ng taripa, non-tarrif measures, serbisyo, pamumuhunan, at iba pa para itatag ang malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko; pagpapasulong ng sistema ng Asia-Pacific Model E-port Network (APMEN); pagtatatag ng Global Value Chains Added Value Datebase; prospekt ng pagtutulungan ng APEC, pagkaraan ng taong 2020; at pagbibigay-suporta ng APEC sa sistema ng multilateral na kalakalan ng daigdig.