Ipinahayag Nobyembre 26, 2018, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na idinaos kamakailan ang pagtatagpo ng mga espesiyal na sugo ng Tsina at Indya hinggil sa isyu ng hanggahan. Dito, iniharap mungkahing may-panghinaharap na pananaw at maaring maisakatuparan upang mapasulong ang talastasan at iba pa.
Noong ika-24 ng Nobyembre, 2018, idinaos ang ika-21 pagtatagpo nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Shri Ajit Doval, National Security Adviser ng Indya sa Chengdu, Sichuan ng Tsina. Ipinahayag ni Geng na ito ang kauna-unahang pagtatagpo ng mga espesyal na sugo ng dalawang bansa, sapul nang magtagpo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministrong Narendra Modi ng Indya sa Wuhan, Tsina. Aniya, malalim na nagpalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa isyu ng hanggahan, bilateral na relasyon at mga isyung pandaigdig at panrehiyong kapuwa nila pinahahalagahan.
salin:Lele