Nagtagpo kahapon, Lunes, ika-3 ng Disyembre 2018, sa Panama City, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Yanibel Abrego ng Pambansang Asembleya ng Panama.
Ipinahayag ni Xi, na sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Panama noong Hunyo 2017, mabilis na umuunlad ang kooperasyon ng dalawang bansa, at natamo nito ang masaganang bunga. Hinahangaan ni Xi ang pagkatig ng Pambansang Asembleya ng Panama sa pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng bansang ito at Tsina, at umaasa siyang patuloy na patitingkarin ng mga lehislatura ng dalawang bansa ang konstruktibong papel sa pag-unlad ng relasyong ito.
Ipinahayag naman ni Abrego ang pananalig na ibayo pang patatagin at palakasin ng pagdalaw ni Pangulong Xi ang relasyon ng Panama at Tsina. Sinabi rin niyang, ang pagtatatag ng relasyong diplomatiko sa Tsina ay komong palagay ng iba't ibang partido ng Panama, at nagbukas ito ng malawak na espasyo para sa kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai