Nag-usap kahapon, Martes, ika-4 ng Disyembre 2018, sa Lisbon, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Marcelo Rebelo de Sousa ng Portugal.
Sinang-ayunan ng dalawang lider, na gawing bagong simula ng ibayo pang pagpapasulong ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Portugal sa susunod na taon.
Umaasa rin si Xi, na pahihigpitin ng dalawang bansa ang pagpapalagayan sa mataas na antas, pasusulungin ang kooperasyon sa loob ng balangkas ng Belt and Road Initiative, at palalakasin ang koordinasyon sa mga multilateral na larangan.
Sinabi naman ni De Sousa, na nakahanda ang Portugal, kasama ng Tsina, na palakasin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, pinansyo, kultura, at iba pang aspekto. Ipinahayag din niya ang pagkatig sa multilateralismo at malayang kalakalan.
Salin: Liu Kai