|
||||||||
|
||
Huwebes, Disyembre 6, 2018, natapos ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang dalaw-pang-estado sa Europa, apat na bansang Latin-Amerikano, at pagdalo sa Summit ng Group ng 20 (G20). Nang mabanggit ang kanyang biyahe sa Portugal, ipinahayag ni Pangulong Xi ang kanyang lubos na damdamin sa magandang mithiin at inaasahan ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa kapayapaan at katatagang pandaigdig, kaunlaran at kasaganaang pang-estado, at kanilang sariling magandang pamumuhay. Ani Xi, bagama't kinaharap ng daigdig ang iba't-ibang uri ng problema at hamon, palagiang tinutupad ng Tsina ang prinsipyo ng paggagalangan sa isa't-isa, pagkakapantay-pantay at pagsasanggunian, at iginigiit ang mapayapang pag-unlad at kooperasyon. Nagsisikap aniya ang Tsina kasama ng iba't-ibang bansa sa daigdig para magkakasamang itatag ang Komunidad ng Komong Kapalaran ng Buong Sangkatauhan.
Sa mga magkakasanib na pahayag o komunike na inilabas ng Tsina at Espanya, Argentina, Panama, at Portugal, ang estratehikong pakikipag-ugnayan ng 'Belt and Road" Initiative ng Tsina sa planong pangkaunlaran ng apat na bansa, ay nagiging mainit na salitang madalas na nakikita sa kooperasyon ng dalawang panig. Sa ilalim ng balangkas na ito, magkakasama nilang isasagawa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pamilihan sa ikatlong panig para magkaroon ng mutuwal na kapakinabangan at win-win sa mas malawak na saklaw. Ito ay itinuturing na bagong modelong pangkaunlaran na malawakang tinatanggap.
Isang mahalagang agenda ng nasabing biyahe ni Xi ay pagdalo sa G20 Summit. Ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagsiklab ng pandaigdigang krisis na pinansyal at pagsisimula ng mekanismo ng G20 Summit. Sa maraming multilateral at bilateral na okasyon, ipinahayag ni Pangulong Xi na dapat igiit ng pandaigdigang kalakalan ang tatlong patnubay na kinabibilangan ng pagbubukas, inklusibo, at regulasyon. Dapat din aniyang patuloy na ipauna ang isyung pangkaunlaran sa pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig. Natamo nito ang malawakang pagsang-ayon ng komunidad ng daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |