|
||||||||
|
||
Noong unang araw ng Disyembre, 2018, sa kahilingan ng panig Amerikano, inaresto sa Vancouver airport ng Kanada si Ginang Meng Wanzhou, Chief Finance Officer (CFO) ng Huawei. Nitong Biyernes, Disyembre 6 (local time), ginanap sa Vancouver Court ang pagdinig tungkol sa pagpigil kay Meng. Ngunit hindi ginawa ang hatol sa nasabing limang oras na pagdinig, at patuloy itong isasagawa sa dararting na Lunes.
Ang pagdakip at pagpigil kay Ginang Meng, ay nakakatawag ng malaking pansin mula sa komunidad ng daigdig, at nagdudulot ng pagkapoot ng Huwei Company, mga mamamayan at pamahalaang Tsino. Bunsod ng pangyayaring ito, malinaw na nakikita ang ilang katotohanan sa daigdig, bagay na pagbabayaran ng napakalaking halaga ng Kanada.
Una, dahil sa pangyayaring ito, lilitaw na "sinungaling" ang katarungang hudisyal ng Estados Unidos at Kanada na itinuturing na may kompletong batas at parsyalidad. Ang hegemonya nila ay malinaw na nakikita ng buong daigdig.
Ikalawa, ang lantarang paglapastangan ng Kanada sa karapatang pantao ay nagpapakita ng "double standards" sa larangan ng karapatang pantao. Ito ay nagsisilbing tagapagsira sa aksyon ng pangangalaga sa karapatang pantao, at nakakapinsala sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng buong daigdig.
Ikatlo, ang pangyayaring ito ay isang direksyonal na dagok sa namumunong kompanyang pansiyensiya't panteknolohiya ng Tsina. Patuloy na lumilitaw ang papel ng Kanada bilang "tagapagsira" sa nasabing dagok.
Ikaapat, ang pagdakip ng Kanada kay Meng ay nagdudulot ng mataas na pansin ng lipunang Tsino. Bumaba nang malaki ang imahe ng Kanada sa mata ng mga mamamayang Tsino.
Bukod dito, iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa Amerika at Kanada kung saan hinihiling nito ang ang agarang pagpapalaya kay Ginang Meng. Kung hindi, isasabalikat ng panig Kanadyano ang lahat ng grabeng responsibilidad na dulot nito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |