|
||||||||
|
||
Nobyembre 30 hangang Diyembre 2, sa Argentina
Sina Xi at Peng, kasama ni Pangulong Mauricio Macri ng Argentina at kanyang asawa na si Juliana Awada.
Noong Nobyembre 30 ng gabi, sina Xi at Peng, kasama ng mga lider at asawa na lumahok sa G20 Summit. Bago magpakuha ng larawan, pinuntahan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika at kanyang asawa sina Xi at Peng at sinabing "Hanggang bukas!" Noong Diyembre 1, nagdaos ng working dinner sina Xi at Trump.
Sa panahon ng G20 Summit, dumalaw si Peng, kasama ng ibang pang mga unang ginang, sa Villa Ocampo, panirahan ni yumaong manunulat at social activist na si Victoria Ocampo.
Sina Peng at Awada habang nagkukuwentuhan sa pananghalian sa pagdalaw sa Villa Ocampo
Dumalo naman si Juliana Awada, Unang Ginang ng Argentina sa 2016 G20 Summit sa Hangzhou, Tsina. Sinabi niya kay Peng kung paano siya naakit ng kabigha-bighaning pagtangtanghal sa nasabing summit.
Ayon sa mga media na dayuhan, ipinakikita ni Peng ang kulturang Tsino. Sa kanyang katatapos na biyahe, pinili rin ni Peng ang mga kasuotang may usong Tsino.
Si Peng habang hawak ang regalo mula kay Awada. Ang regalo ay isang baton na galing sa isang kilalang conductor ng Argentina.
Inimbitahan din Awada ang kilalang mang-aawit para magtanghal para kay Peng.
Ang regalo naman ni Peng kay Awada at kanyang anak na babae ay mga bisikleta at laruang panda. Inanyayahan ni Peng ang mag-ina na pumunta sa lalawigang Sichuan at tingnan ang mga panda roon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |