Sa sidelines ng Ika-4 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), nagtagpo kahapon, Linggo, ika-16 ng Disyembre 2018, sa Luang Prabang, Laos, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Don Pramudwinai, Ministrong Panlabas ng Thailand.
Sinang-ayunan ng dalawang opisyal na ibayo pang pasulungin ang relasyon at kooperasyon ng Tsina at Thailand, at pabilisin ang mga konkretong proyektong gaya ng China-Thailand Railway.
Tinalakay din nila ang mga suliranin sa pagitan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na gaya ng pagsasanggunian sa Code of Conduct in the South China Sea, talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership, integrasyong pangkabuhayan ng Silangang Asya, at iba pa.
Salin: Liu Kai